Umiikot ang mundo niya sa bukid.
Mula pagkabata, hanggang sa tumanda, walang inatupag si Tata Martin kundi ang maglinang ng lupa, at magtanim ng palay.
Pero sa tagal na niyang magsasaka, ni minsan, hindi siya nagkaroon ng sarili niyang lupa. Kahit kapiraso lang.
Lupa para sa lahat. Madalas na ipangako ng gobyerno ito sa mga kagaya ni Tata Martin.
Pero ang pangakong lupa, nauuwi sa wala.
Sa edad na mahigit 60, malakas pa si Tata Martin.
Hindi biro ang mga gawaing bukid sa Nueva Ecija na siya namang itinuro niya sa akin sa loob ng dalawang araw.
Sa ritratong ito, sinamantala ko ang pagkakataon habang nagpapahinga kami sa pag-aararo para makapagpakuha ng picture!
Mahiyain pa noong una si Tata Martin, pero nung makilublob ako sa pilapil at malaputik na lupa, dehins na nahiya ito. :)