Hotline Pilipinas
Setyembre 9, 2011
Pero ang masaklap dito, milyun-milyon pa rin ang mga walang trabaho sa Pilipinas. Kaya naman tila isang salbabida sa gitna ng laot ang mga BPO o business process outsourcing kabilang na ang mga call center na sumasagip sa ating mga kababayang nawawalan na ng pag-asa. Sino nga ba naman ang hindi sasakay sa oportunidad na ito kung ang puhunan lang naman sa trabaho ay dedikasyong matuto at husay ng dila sa pagsasalita.
Sa call center nagsanay si Jay Taruc para sa panibago niyang pagtuklas at paglalakbay. Tinuruan siya rito ng wastong paraan ng pakikipag-usap sa mga Amerikanong kliyente na nasa kabilang linya. Nakilala rin niya ang mga call center agent na sanay na sanay na sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang banyaga.
Malaki man daw ang kitang naiuuwi ng halos kalahating milyong empleyado sa mga call center, kaakibat naman nito ang hirap na dinaranas nila sa trabahong ginagawang umaga ang gabi. May mga ulat din na ang kundisyon ng pagtatrabaho ng walo hanggang sampung oras na pakikipag-usap sa telepono ay delikado sa kalusugan ng mga ahente ng call centers. Bukod dito, marami rin ang nakakapansin na mapusok din daw kasi ang lifestyle ng maraming empleyado dahil sa pakikipagtalik nila sa kung sino-sinong kasama sa trabaho, na nagreresulta sa paglobo ng kaso ng mga nagkakasakit ng sexually-transmitted disease.
Mahaba ang gabi para kay Jay Taruc, dahil susuriin din niya ang magkabilang mundo ng “buhay call center” – ang panaginip ng mas magandang buhay at ang realidad sa labas ng call center.
Ito ang tampok sa Motorcycle Diaries, ngayong Biyernes, 8PM sa GMA NewsTV Channel 11.
Hotline Philippines
September 9, 2011
In a country as populous as the Philippines, no natural resource is as important as its people. It is the people’s hard work that drives the nation’s economy, and determines the very fate of every family. Their lack of work indicates how the economy is doing, and dictates what they would be eating.
With the country’s unemployment rate growing every year, both the government and the labor force have trumpeted the rise of BPO, or business process outsourcing, companies and call centers as God sent. These companies thrive on their employees’ dedication to learn and ability to speak English fluently – two characteristics Filipinos are quite known for.
Seeing this as an opportunity for another journey of discovery, Jay Taruc gets himself into the shoes of a call center agent. He gets to learn not only how one should talk to American clients from another continent, but also what everyday life is like for these workers.
Jay also looks into the dangers these call center agents face each time they start their day at night. He examines whether the high pay these workers get duly compensates the hazards of going to work and coming home in the dark, continuously talking for 8-10 hours straight, and being at risk of sexually-transmitted diseases – all-too-common risks that have become part of the call center lifestyle.
These call center agents live their lives and earn their living during the time when all others outside their buildings, friends and loved ones included, dream their dreams. Jay finds out how this affects their own dreams about their own futures.
Jay Taruc explores the life of a call center agent this Friday, 8p.m., in Motorcycle Diaries. Only on GMA News TV Channel 11.
1 comment:
Where can i find a video/reply of this?
Post a Comment