Thursday, August 11, 2011

MD: "Beep, Beep"

















































Si Tata Leon ay mahigit sampung taon nang tsuper ng jeepney.

Walang trabaho ang kaniyang asawa, kaya siya lang ang kumakayod para buhayin ang lima nilang anak.

Akala ko, ang mga liblib na lugar lang ang hindi nakararanas at nagtitiis na walang kuryente.

Pero ang pamilya ni Tata Leon, may isang buwan nang nagtitiis sa dilim dahil kulang na kulang ang budget.

Dahil sa sobrang trapik at patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, lalo lamang nababaon sa kahirapan ang mga tsuper ng jeep na gaya ni Tata Leon.

Mamayang gabi, panoorin niyo ang pakikipasada ko kay Tata Leon mula Cubao hanggang Harrison, mamayang 8 PM sa Motorcycle Diaries: "Hari ng mga Kalsada", sa GMA NEWS TV.







Thursday, August 4, 2011

MD: "Sitio Beach"













































































Ngayon ko lang narating ang "Sitio Beach".

Di namin alintana ang bagyong si "Kabayan"--tumulak kami patungong Taal, Batangas para marating ito.

Binayo ng malakas ang hangin, at maulan ang biyahe ko.

Pero di nagpatinag ang gamit kong BMW GS G-650--mas maliit sa karaniwang gamit namin na 1200 GS, pero matinik!

Ang Sitio Beach ay naging laman ng balita sa mga diyaryo at telebisyon nitong mga nakalipas na buwan noong pumutok ang "fish kill" sa Batangas.

Minsa'y naging beach resort na rin ito noong dekada 70, sabi ng mga nakausap namin.

Noon pa man, marami na ring umaasa sa bahaging ito ng lawa ng Laguna dahil sa mga nahuhuling bangus at tilapia.

Karamihan sa kanila ay mga maliliit na mangingisda.

Hindi lang kasi ito pinamumugaran ng mga mamumuhunang Chinese nationale na gumagamit ng mga "dummy" para lang makapangapital ng "fish cages" dito.

Yung labis na kakulangan sa oxygen, ang sinisisi ng mga eksperto, ay ang pagsikip ng lawa dahil na rin sa pagiging ganid ng ilang negosyante, na kinukunsinte naman ng lokal na pamahalaan at ilang lokal na ahensiya ng gobyerno.

Ilang buwan na rin matapos ang fish kill....kinamusta ko ang mga maliliit na mangingisda dito sa Sitio Beach. Abangan ninyo ang buong kwento sa Motorcycle Diaries ngayong Biyernes, July 5, GMA NEWSTV.