Ngayon ko lang narating ang "Sitio Beach".
Di namin alintana ang bagyong si "Kabayan"--tumulak kami patungong Taal, Batangas para marating ito.
Binayo ng malakas ang hangin, at maulan ang biyahe ko.
Pero di nagpatinag ang gamit kong BMW GS G-650--mas maliit sa karaniwang gamit namin na 1200 GS, pero matinik!
Ang Sitio Beach ay naging laman ng balita sa mga diyaryo at telebisyon nitong mga nakalipas na buwan noong pumutok ang "fish kill" sa Batangas.
Minsa'y naging beach resort na rin ito noong dekada 70, sabi ng mga nakausap namin.
Noon pa man, marami na ring umaasa sa bahaging ito ng lawa ng Laguna dahil sa mga nahuhuling bangus at tilapia.
Karamihan sa kanila ay mga maliliit na mangingisda.
Hindi lang kasi ito pinamumugaran ng mga mamumuhunang Chinese nationale na gumagamit ng mga "dummy" para lang makapangapital ng "fish cages" dito.
Yung labis na kakulangan sa oxygen, ang sinisisi ng mga eksperto, ay ang pagsikip ng lawa dahil na rin sa pagiging ganid ng ilang negosyante, na kinukunsinte naman ng lokal na pamahalaan at ilang lokal na ahensiya ng gobyerno.
Ilang buwan na rin matapos ang fish kill....kinamusta ko ang mga maliliit na mangingisda dito sa Sitio Beach. Abangan ninyo ang buong kwento sa Motorcycle Diaries ngayong Biyernes, July 5, GMA NEWSTV.
No comments:
Post a Comment