Thursday, August 25, 2011

MD: "Please, Mr. Postman....Where Are You?"




MOTORCYCLE DIARIES

" MAILMAN ", Agosto 26, 2011

Modern communication technology is fast and efficient. In today’s age, content is king, but the speed by which it is conveyed might just be the queen. Indeed, when it comes to communicating, the saying, “out with the old, in with the new,” seems to hold true.

One sector struggling to keep pace with the information age is the postal system. E-mail, the social networking sites, cellular phone and text messaging technology have all relegated paper-based mail in the back burner, resulting in the loss of jobs of many of our postmen. And those who have managed to stay find it difficult to remain relevant in this modern era.

With this as backdrop, Jay Taruc gets to know the people who might just belong to the last generation of the profession of mail carrying. He finds out the difficulties that they have to endure just to ensure that our mail reach our home.

The scorching heat of the sun. The drenching torrent of rain. These are but some of the everyday perils that face the ordinary postman, as witnessed by Jay Taruc. All in exchange for low wage and minimal benefits. .

But the day-to-day hazards these mail carriers face outside pale in comparison to those that hound the postal system to which they belong. Allegations of embezzlement and mismanagement by the powers that be have aggravated the already dire situation of a system saddled with low budget and even less vision for the future. With these problems on their shoulders everyday, it is a wonder how our postmen can still perform their work and take charge of their own future.

Jay Taruc tells another story of journey and discovery in Motorcycle Diaries this Friday, 8 PM, on GMA News TV.

"KARTERO", August 26, 2011

Ang lingguwahe ng makabagong komunikasyon sa ngayon, mabilis at walang mintis. Kaya naman pagdating sa pagpapadala ng mahahalagang impormasyon at mensahe, pabilisan na ang labanan. Moderno na ang sukatan at tila napag-iiwanan na ang mga napaglumaan.

Pero ang tradisyunal na pagpapadala at pagtanggap ng mga sulat at koreo sa Pilipinas, pilit na humahabol sa takbo ng panahon. Iyon nga lang, masasabing nangangalay na ang Philippine Postal Office sa teknolohiyang kaakibat na ng e-mail, social networking sites at maging ng text messaging at mobile phones. Ang resulta, marami sa mga kartero ang nawalan ng trabaho at ang iilang natitira sa kanila, tila napag-iwanan na rin ng modernong panahon.

Kikilalanin ni Jay Taruc ang ilan pa sa mga natitirang kartero o 'postman' sa ngayon para higit lalo nating maunawaan ang mga pinagdaraanan nilang hirap bago makarating ang mga sulat sa ating bahay-bahay. Ulan, araw, hangin, alikabok, at kilo-kilometrong biyahe na ang kapalit naman ay kakarampot lang na suweldo. Ganiyan maisasalarawan ang buhay na nakita ni Jay Taruc nang makisalamuha siya sa mga kartero.

Katiwalian at maling pamamalakad ang itinuturong dahilan kung bakit tila hindi makausad ang sistema ng koreo sa Pilipinas. Salat na nga sa pondo, wala pang malinaw na plano. Saan dadalin ng sistema ang mga paa ng ating mga kartero kung puro problema ang sinusuong nila sa trabaho?

Ang mga kuwento sa paglalakbay at kuwento sa pagtuklas ni Jay Taruc sa Motorcycle Diaries ngayong Huwebes, 8PM sa GMA NewsTV Channel 11.

No comments: